Pope Francis sa International Congress on Catechesis: Isabuhay ang pananampalataya

Wednesday, November 07, 2018

Patuloy at panatilihing buhay si Hesus sa bawat puso ng mga katekista.

Ito ang mensahe ni Pope Francis sa mga katekista na dumalo sa International Congress on Catechesis na may temang "The Catechist: Witness to the Mystery" noong Setyembre.

"Yung pananampalataya natin sa ginagawa nating pagdarasal individually saka yung sa community, yung mga worship celebration natin, yung Misa, and it should challenge us to live the faith," ayon kay Bishop Roberto Mallari ng San Jose.

Kabilang sa 62 delegado ng Pilipinas sa Roma ang obispo na nagsabi na dapat magkakasabay ang pagdarasal at pagsasabuhay ng pananampalataya upang magiging malalim ito,

Ayon kay Bishop Mallari, isang hamon sa mga katekista na isabuhay ang pananampalataya hindi lamang sa pagdarasal. Ito aniya ang siyang pinaka-epektibong pagtuturo sa kabataan.

Ulat mula sa Veritas 846

Add new comment

1 + 0 =

Please wait while the page is loading