Pope Francis bibisita sa Morocco

Egyptian woman in front of a Pope Francis poster on April 6, 2017, ahead of the papal trip. (Photo by Mohamed Abd El Ghany/Reuters via La Croix International)
Friday, March 29, 2019

Umaasa ang Arsobispo ng Rabat sa Morocco na maging mabunga ang pagdalaw ng Santo Papa sa bansa.

Tiwala si Rabat Archbishop Cristobal Romero na mas mapalalakas ang diwa ng pagkakaisa ng mamamayan ng Morocco at mapapaigting ang mga programang magbubuklod sa mga Kristiyano at Muslim sa pagbisita ng Papa.

“I trust that Pope Francis’ visit will ratify us in this endeavor and will encourage us to continue to have this dialogue of friendship, love and mutual understanding towards Muslim brothers and sisters," ani Archbishop Romero.

Hinimok ng Arsobispo ang mananampalataya sa Morocco na makiisa sa mga pagdiriwang at mga gawain sa pagbisita ng Santo Papa upang maipakikita ang pagkakaisa at mainit na pagtanggap.

Nakatakda ang pagbisita ni Pope Francis sa Morocco sa ika-30 hanggang 31 ng Marso.

Ilan sa mga nakatakdang gagawin ni Pope Francis sa dalawang araw na pagbisita ang pakikipagpulong sa mga migranteng Sub-Saharan, interreligious meeting, pagdalaw sa Formation Institute ng mga Imam at ilan pang tagapagturo ng Islam sa Morocco.

Add new comment

12 + 7 =

Please wait while the page is loading