Pitong bagong santo, itinalaga ni Papa Francisco

Photo courtesy of the Roncalii Newman Catholic Parish
Tuesday, October 16, 2018

Pitong bagong santo ang napabilang sa higit sampung libong santo ng Simbahang Katolika nitong Oktubre 14.

Pinangunahan ni Papa Francisco ang "canonization" nina Pope Paul VI, Archbishop Oscar Romero, at limang iba pa nitong nakaraang Linggo.

Si Pope Paul VI ang may akda ng "Humanae Vitae" na tumatalakay sa kasagraduhan ng buhay.

Ganap na ring santo si Archbishop Oscar Arnulfo Romero ng El Salvador na pinaslang habang nagmimisa noong 1980.

Ang arsobispo ay kilala bilang kampeon ng "social justice" at nagsulong ng karapatang pantao sa kanyang bansa.

Bukod kina Paul VI at Archbishop Romero, kabilang din sa mga kinilalang mga bagong santo sina Father Vincent Romano, kilalang nag-aruga ng mga ulila, Father Francesco Espinelli, nangalaga ng mga may nakakahawang sakit at mga bilanggo.

Kasama rin sa mga bagong santo ang 19-anyos na si Nunzio Suprizio na sa kabila ng kanyang malubhang karamdaman ay inilaan ang buhay sa pagtulong sa mga may sakit.

Sina Sister Nazaria Ignacia March Mesa, ang nagtatag ng Congregation of the Missionary Crusaders of the Church, at si Sister Maria Katharina Kasper, founder ng Poor Housemaids of Jesus Christ, ay mga santo na rin.

Ulat mula sa Veritas 846
 

Add new comment

2 + 0 =

Please wait while the page is loading