BIBLIA AT PAMILYA: Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari

Sunday, November 25, 2018

Sa araw na ito ating ipinagdiriwang ang kapistahan ng "Christ the King" o Kristong Hari — ang araw na itinakda ng Simbahan bilang paggunita sa kataas-taasang kapangyarihan ni Kristo sa lahat ng nilalang ng Dakilang Diyos.

Sa Simbahang Katolika, ito rin ang huling Linggo ng "Liturgical Year."

Ang kapistahan ng Kristong Hari ay binigyan ng pagkilala ni Pope Pius Xl noong Disyembre 1, 1925, na may layunin na mahadlangan ang paglaganap ng Ateismo sa daigdig at ang pag-usbong ng mga gobyernong walang kinikilalang Diyos. 

Sa France, ang Pista ng Kristong Hari ay pagpapakita ng kanilang pagkakaisa laban sa mga anti-Kristo.

Samahan po natin ang mag-asawang sina Rene at Baby Pangilinan at ang kanilang mga panauhin sa isa na namang pagtatanghal ng Biblia at Pamilya kung saan tinalakay nila ang Mabuting Balita ngayong Linggo Kristong Hari.

Add new comment

5 + 3 =

Please wait while the page is loading