Mag-ingat sa kandilang may nakalalasong kemikal

Ilang araw bago ang Undas, dumagsa ang mga tao sa mga libingan upan linisin ang mga puntod ng kanilang mga mahal na yumao. (Larawan kuha ni Basilio Sepe para sa UCA News)
Tuesday, October 30, 2018

Nagbabala ang grupong Ecowaste Coalition sa paggamit ng mga kandila at pintura na may halong nakalalasong kemikal ngayong Undas.

Ayon kay Daniel Alejandre, zero waste campaigner ng grupo, karaniwang hinahaluan ng 'lead' ang mga kandila at pintura upang maging matingkad ang kulay.

Paliwanag ni Alejandre, masama sa kalusugan, lalo na sa mga bata, buntis, at matatanda, ang makalanghap ng usok ng kandilang mayroon 'lead.'

Upang maiwasan ito, mahalagang siyasatin ang label ng mga kandila, o di kaya ay huwag nang bumili ng kandilang labis na matingkad ang kulay.

Sa mga pintura naman, mahalagang hanapin ang tatak na nagsasaad na "Lead Safe Paint."

Ayon kay Alejandre, matagumpay ang kasalukuyan nilang kampanya para sa "lead safe paint" dahil maraming lokal na pamahalaan ang nakakaunawa ng epekto ng lead sa kalusugan ng tao.

Naniniwala ang grupo na pangunahin pa ring dapat bantayan ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran, lalo na sa lugar kung saan binibigyang pagpapahalaga at inaalala ng bawat isa ang kanilang mga mahal sa buhay na yumao.

Ulat mula sa Veritas 846

Add new comment

2 + 0 =

Please wait while the page is loading