Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, pinangunahan ang tree planting

Sunday, November 25, 2018

Pinangunahan ni Bishop Socrates Mesiona, Obispo ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, ang dalawang araw na tree planting activity sa Brookes Point, Palawan, noong ika-19 hanggang 20 ng Nobyembre, 2018.

Kasama ni Bishop Mesiona sa pagtatanim ng mga puno ang lokal na tribung naninirahan dito na mga Palaw’an, at mga miyembro ng Agustinian Missionaries of the Philippines Indigenous Peoples Mission.

Bago pa ito, nakapagtanim na ng halos 2,000 mga puno ang simbahan ng Puerto Princesa sa Sitio Sagpake’n, Barangay Mainit, at Sitio Bayog, Aribungos, na bahagi ng Mount Matalingahan na isang protected landscape at kinapapalooban din ng ancestral domain.

Ang programang ito ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa ay naglalayong makapagtanim ng 10,000 mga puno bilang pagtugon sa hamon ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Encyclical nitong Laudato Si.

Sa Encyclical na Laudato Si ni Pope Francis, kinokondena nito ang kawalang katarungang ginagawa ng mayayamang kumpanya ng minahan sa mahihirap na komunidad, dahil lalo lamang itong nagdadagdag ng pasakit sa mga mamamayan.

Ulat mula sa Veritas 846

Add new comment

3 + 6 =

Please wait while the page is loading