Alalahanin, ipanalangin ang mga nasawi ng Yolanda

Larawan ng Tacloban matapos manalasa ang bagyong Yolanda noong 2013. (Kuha ni Vincent Go)
Friday, November 09, 2018

Naghandog ng panalangin ang Diyosesis ng Borongan kasabay ng paggunita sa ika-limang taon ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa malaking bahagi ng Central Philippines.

Sa inilabas na Pastoral Letter ng Diyosesis, hinimok ni Bishop Crispin Varquez ng Borongan ang mga pari, madre, at mga layko na alalahanin sa mga panalangin ang mga nasawi dahil sa kalamidad.

"We especially remember those who died during the said calamity, those who suffered psychological trauma from the event, those who have not yet fully recovered materially or economically and are still struggling to rebuild their lives until now, and those nations, international organizations, humanitarian groups, volunteer workers, and all those who assisted us during the aftermath of Yolanda," bahagi ng pastoral letter ng obispo.

Hinimok din ng obispo ang mga mananampalataya na mas palakasin pa ang pagtutulungan.

"May the Virgin Mary, Patroness of our Diocese and herself the ‘white dawn’ announcing to all men the rising of the Sun of Salvation—Jesus Christ, inspire us to persevere in our unique vocation of being a people called to live up to the reality of the Light and to give witness to the Light in the midst of a society threatened by the dark night of gloom," dagdag ng obispo.

Aniya, dahil sa kalamidad lalong tumibay ang pananampalataya ng mga naapektuhan ng bagyo.

Taong 2013 nang manalasa ang bagyong Yolanda. Higit sa anim na libo ang naitalang namatay dulot ng bagyo habang naitala naman sa 86 bilyong piso ang nasirang gusali, kabuhayan, at mga ari-arian.
 

Add new comment

3 + 1 =

Please wait while the page is loading