Only in the Philippines: Pista ng Itim na Nazareno

Friday, January 11, 2019

Samahan natin si Kuya Ritchie sa kanyang biyahe sa linggong ito para dumalo sa Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila.

Ibabahagi ni Kuya Ricthie ang kanyang karanasan sa pagdalo sa 'traslacion' ng imahe ng Itim na Nazareno at ang kwento ng kanyang pagiging deboto sa Poon.

Ang Pista ng Itim na Nazareno, na idinaraos taun-taon tuwing Enero 9, ay gumugunita sa 'traslacion' o ang ritwal na paglilipat ng maitim na imahe ni Kristo, na gawa sa kahoy, sinlaki ng tao, at may pasan na krus, mula sa Quirino Grandstand hanggang sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo.

Nakakintal sa prusisyon ang dakilang debosyon ng mga Pilipino at matinding paniniwala sa mga milagro ng Mahal na Poong Nazareno pati na ang kapangyarihan nitong magpagaling.
 

Add new comment

6 + 0 =

Please wait while the page is loading