Pilipinas nakiisa sa 'Red Wednesday'

Thursday, December 06, 2018

Sa pangalawang pagkakataon ay nakiisa ang Pilipinas sa "Red Wednesday campaign," isang worldwide activity na isinagawa bilang pakikiramay sa mga Kristiyano na patuloy na inuusig sa iba’t ibang panig ng mundo.

Inilawan ng kulay pula ang mga simbahan at mga unibersidad sa bansa kabilang ang Katedral ng Maynila.

Ang pagkulay na ito ay upang magbigay atensyon sa mga Kristiyanong naghihirap dahil sa mga persekusyon sa iba’t ibang panig ng mundo.

Add new comment

1 + 0 =

Please wait while the page is loading