Pagiging tapat, hindi sapat para maging opisyal ng pamahalaan

Ang command center ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa mga nakaraang halalan. (Kuha ni Roy Lagarde)
Tuesday, December 18, 2018

Hindi sapat ang pagiging matapat lamang ng isang indibidwal upang magsilbi at maglingkod sa pamahalaan.

Ito ang reaksyon ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting Vice Chairman for Internal Affairs Bro. Johnny Cardenas kaugnay sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagsasantabi sa Civil Service Eligibility ng mga aplikante sa posisyon sa pamahalaan dahil sa mas mahalaga ang pagiging matapat at hindi tiwali o corrupt.

Ayon kay Cardenas, bagamat mahalagang katangian ang katapatan sa pagiging isang lider o opisyal ng pamahalaan ay mas mahalaga na gawing batayan ang kakayahan ng isang indbidwal.

Ipinaliwanag ni Cardenas na mahalagang matiyak na mayroong sapat na kakayahan ang sinuman upang magampanan ng mahusay ang kanilang mga tungkuling hindi lamang para sa ikabubuti ng pamahalaan kundi para sa pangkabuuang kalagayan ng bayan.

Ang buong ulat ay mababasa sa Veritas 846
 

Add new comment

18 + 1 =

Please wait while the page is loading