Our Lady of the Rosary sa Bataan, idineklarang Minor Basilica

Ang Our Lady of the Most Holy Rosary Parish Church sa Orani, Bataan, na ginawaran ng titulo na minor basilica. Larawan mula sa kanilang Facebook page
Thursday, September 26, 2019

Itinuturing na biyaya ng Diocese of Balanga ang paggagawad ng Vatican ng titulong Minor Basilica sa Our Lady of the Rosary sa Orani, Bataan.

Ito ang ibinahagi ni Bishop Ruperto Santos ng Balanga kasunod ng opisyal na pag-apruba at paggagawad ng Vatican Sacred Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments ng titulong Minor Basilica sa Our Lady of the Rosary Parish Church.

Ayon kay Bishop Santos, isang tunay na biyaya para sa buong diyosesis ang pagkakahirang sa simbahan bilang isang Minor Basilica na magsisilbing daluyan ng pagpapala at pagbabasbas ng Diyos.

Nagpaabot ng lubos na pasasalamat si Bishop Santos sa Kanyang Kabanalan Francisco sa naging magandang regalo para sa mga mananampalataya ng Diocese of Balanga, Bataan.

Ang titulong Minor Basilica para sa isang simbahan ay isang pambihirang pribilehiyo na iginagawad mismo ng Santo Papa.

Ang Our Lady of the Rosary Parish Church ang kauna-unahang Minor Basilica ng Diocese of Balanga sa probinsya ng Bataan.

Umabot na sa 16 ang Basilica Minore sa Pilipinas kung saan ang ilan sa pinakakilala at dinarayo ng mga mananampalataya ay ang Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church at ang Minor Basilica of Santo Niño de Cebu.

Add new comment

7 + 10 =

Please wait while the page is loading