Mga guro, tunay na bayani

Larawan kuha ni Jire Carreon para sa UCA News
Tuesday, June 11, 2019

Inihayag ni Bishop Ruperto Santos ng Balanga na dapat suportahan at kalingain ang mga guro bilang pagkilala sa kanilang paglilingkod sa lipunan.

Sinabi ni Bishop Santos, chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, na bilang pangalawang magulang ay malaking responsibilidad ang ginagampanan ng mga guro sa paghubog sa pagkatao ng mga kabataan.

“Our teachers deserve our affection and admiration for their sacrifices and services for our young people,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Santos na nararapat mabigyan ng maayos na lugar ang mga guro sa paaralan kung saan maaring magpahinga at magsagawa ng kanilang mga pang araw-araw na gawain tulad ng pagsuri sa output ng mga estudyante.

Basahin ang buong ulat sa Veritas 846

Add new comment

1 + 13 =

Please wait while the page is loading