Mananampalataya, mga pari, hinamong maging 'cybermissionaries'

Larawan kuha ni Ayie Ortega-Villanueva
Thursday, August 08, 2019

Hinamon ni Father Luciano Felloni, social communications head ng Diocese of Novaliches, ang mga pari at mananampalataya na maging "cybermissionaries."

Ayon sa pari, pareho lamang ang pagiging "cybermissionary" sa pagiging misyonero tulad ni Hesus, subalit kinakailangan gumamit ng teknolohiya at social media.

"Cyber mission is mission. It is the same in any other mission. You only use technology. It is the same para ihatid ang salita ng Diyos sa mga nakikinig," pahayag ng pari.

Binigyang diin ni Father Felloni ang masidhing pangangailangan at pangungulila ng mga Overseas Filipino Workers sa Salita ng Diyos.

Sinabi ng pari na hinahanap-hanap ng mga Filipino sa ibang bansa ang sariling kultura sa pagdadaos ng mga Banal na Misa, kaya naman malaki din ang naitutulong ng social media upang maging kabahagi ang mga ito sa banal na pagdiriwang.

"Filipinos abroad they are thirsty and hungry for the word of God. They are desperate to connect but to connect with God na may lasang Pinoy. They are looking for Mass in Tagalog, Bisaya, Cebuano, they are looking for their roots," pahayag ni Father Felloni.

Ulat mula sa Veritas 846

Add new comment

16 + 0 =

Please wait while the page is loading