Delegado sa PCNE 6, umaabot na sa 6,000

Monday, July 15, 2019

Hinimok ng bagong halal na tagapamalahala ng Episcopal Commission on Youth ng CBCP ang mga kabataan na makilahok sa ika-anim na serye ng Philippine Conference on New Evangelization.

Nakatuon ang selebrasyon ngayong taon sa ginugunitang "Year of the Youth."

Ayon kay Bishop Rex Andrew Alarcon ng Daet, bukod sa personal na pagkikilahok sa pagtitipon ay maaari ring makibahagi ang mga kabataan sa pamamagitan ng internet at social media.

Mahalaga ang layunin ng pagtitipon na maibukas ang kamalayan ng mga kabataan sa kanilang mahalagang papel na ginagampanan para sa lipunan, Simbahan, at sa buong daigdig, ayon sa obispo.

Inihayag ni Bishop Alarcon na dapat na matuklasan ng mga kabataan kung papaano magagamit sa kabutihan ng bayan, Simbahan at mas nakararami ang biyayang kakayahan na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa.

Basahin ang buong ulat sa Veritas 846

Add new comment

1 + 0 =

Please wait while the page is loading