Cardinal Tagle nagpasalamat sa blood donors

Cardinal Luis Antonio Tagle of Manila thanks those who donated blood during an annual event to celebrate his birthday on June 21. (Photo by Angie de Silva)
Monday, June 24, 2019

Lubos ang tuwa at pasasalamat ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa mga nakiisa sa kanyang ika-62 taong kaarawan sa pamamagitan ng pagdo-donate ng dugo.

Kasabay ng pagdiriwang sa kaarawan ni Cardinal Tagle ay ang taunang pagsasagawa ng “Blood-Letting Activity” sa Arzobispado se Manila, sa Intramuros.

Sinabi ng kardinal na ang aktibidad sa kanyang kaarawan ay hindi lamang basta pagbabahagi ng anumang bagay dahil ito ay pagbibigay mismo ng buhay.

Binigyang diin ni Cardinal Tagle na sa pamamahitan ng pag-donate ng dugo ay nadudugtungan ang buhay ng kapwa na nangangailangan.

May mas mahabang ulat ang ucanews.com

Add new comment

13 + 3 =

Please wait while the page is loading