Bishop Lampon, itinalagang bagong arsobispo ng Cotabato

Larawan ni Archbishop-elect Angelito Lampon kuha ni Angie de Silva para sa UCA News.
Wednesday, November 07, 2018

Panibagong hamong haharapin bilang lingkod ng Diyos ang pagtanggap ni Archbishop-elect Angelito Lampon sa pagkakatalaga sa kaniya ni Pope Francis bilang bagong arsobispo ng Cotabato.

"We see this as my journey of faith," ayon sa bagong arsobispo sa panayam ng Veritas 846 ng Radio Veritas.

"Will I be obedient to God? Will I give my all to Him?" dagdag ng obispo.

Si Archbishop-elect Lampon ay itinalaga bilang arsobispo ng Cotabato kahalili ni Cardinal Orlando Quevedo na nag-retiro na.

"Kahit saan ka, there is always a particular challenge," ayon sa bagong arsobispo. "This is more of a journey of faith for me to transfer residence."

"Of course, the pastoral challenges are there .... But for me, this is very personal, the call of God, of Jesus to his Church for me to relocate to Cotabato," aniya.

Itinakda ang installation ng bagong arsobispo ng Cotabato sa ika-31 ng Enero.

Isinilang si Archbishop-elect Lampon noong Marso 1, 1950, sa M’lang, Cotabato. 

Siya ay nagtapos ng pilosopiya sa Ateneo de Manila University at teolohiya sa Loyola School of Theology sa Quezon City.

Taong 1997 nang italagang obispo ng noo’y si Pope John Paul II si Archbishop-elect Lampon sa apostolic vicariate ng Jolo, Sulu.

Sa kasalukuyan, si Archbishop-elect Lampon ang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Ecumenical Affairs.

Sa paglipat ni Archbishop-elect Lampon sa Cotabato may sampung diyosesis ang "sede vacante" o walang nakaupong obispo, kabilang na dito ang mga diyosesis ng Butuan, Daet, Ilagan, Iligan, Isabela de Basilan, Malolos, Military Ordinariate, San Jose de Antique, San Jose Mindoro, at Jolo, Sulu.

Dalawa pang obispo sa Mindanao ang nasa retirement age na 75, kabilang sina Archbishop Antonio Ledesma ng Cagayan de Oro, 75, at Bishop Emmanuel Cabajar ng Pagadian, 76.

Itinatakda sa canon law ang "retirement age" na 75 para sa mga obispo.

Ulat mula sa Veritas 846

Add new comment

4 + 1 =

Please wait while the page is loading