Bagong obispo ng Ilagan pinangalanan ng Santo Papa

Thursday, November 15, 2018

Itinalaga ng Santo Papa si Nueva Segovia Auxiliary Bishop David William Antonio na bagong obispo ng Ilagan nitong Miyerkules ng tanghali sa Roma.

Si Bishop Antonio ang ika-limang obispo ng probinsya ng Isabela habang patuloy siyang magsisilbi bilang apostolic administrator ng San Jose sa Occidental Mindoro.

Papalitan ni Bishop Antonio si Bishop Joseph Nacua, 73, na nag-resign dahil sa kalusugan noong 2017.

Noong Marso 2018 nang si Bishop Antonio, 54, ay pinangalanan na apostolic administrator ng San Jose matapos tanggapin ni Pope Francis ang pagbitiw ni Bishop Antonio Palang.

Ipinanganak si Bishop Antonio sa Sto. Domingo, Ilocos Sur, at naordinahan na pari sa Nueva Segovia noong 1988. 

SI Bishop Antonio ang pinakahuling appointee na Filipino ni Pope Benedict XVI bago siya mag-resign noong 2013.

Ang obispo ang kasalukuyang chairman ng CBCP Commission on Vocations.

Add new comment

2 + 5 =

Please wait while the page is loading