AMRSP, nanawagan sa nagkakaisang Simbahan

Dinaluhan ng mga pari, madre, at mga layko ang idinaos na Misa para ipakita ang suporta sa ilang obispo at pari na nahaharap sa kasong sedisyon. Larawan kuha ni Andrea Punzalan.
Tuesday, August 06, 2019

Napapanahon na upang muling maipamalas ang tunay na pagkakaisa ng Simbahan.

Ito ang panawagan ng Association of Major Religious Superior in the Philippines (AMRSP) sa bawat mamamayan partikular na sa mga mananampalataya kaugnay sa pagkakabilang ng ilang mga pari at obispo sa sinampahan ng kasong sedisyon ng Philippine National Police.

Ayon kay AMRSP executive secretary Fr. Angel Cortez, mahalagang maging mapagmatyag at ipamalas ng mananampalataya ang pakikiisa sa paghahanap ng katotohanan at katarungan sa lipunan.

Hinimok rin ng pari ang mga mananampalataya na patuloy na manalangin bilang suporta sa mga lingkod ng Simbahan na idinadawit sa sinasabing destabilisasyon laban sa pamahalaan.

Basahin ang buong ulat sa Veritas 846

Add new comment

4 + 1 =

Please wait while the page is loading