All Souls' at All Saints' Days, pagkakataon na ipagdasal ang lahat tungo sa kabanalan

Larawan kuha ni Jire Carreon para sa UCA News
Friday, November 02, 2018

Ang Araw ng mga Banal at Yumao ay isang magandang pagkakataon upang ipanalangin ang paggabay sa bawat isa patungo sa kabanalan at pananalig na ang ating mga yumaong mahal sa buhay ay kasama rin ng mga banal sa langit.

Ito ang mensahe ni Bishop Mylo Hubert Vergara ng Pasig, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication, kaugnay sa paggunita ng mga mananampalatayang Filipino ng Todos Los Santos.

Ayon sa Obispo, ang magkasunod na paggunita sa Araw ng mga Banal at Araw ng mga Kaluluwa ay isang opurtunidad upang makapag-alay ng panalangin sa mga yumao na makamit ang walang hanggang pag-ibig ng Panginoon.

Kaugnay nito, pinangunahan ni Bishop Vergara ang pag-aalay ng panalangin at pagbabasbas sa mga puntod ng mga namayapang lingkod ng Simbahan sa Diyosesis ng Pasig.

Ulat mula sa Veritas 846

Add new comment

12 + 2 =

Please wait while the page is loading