About Us

TUNGKOL SA RADIO VERITAS ASIA - FILIPINO SERVICE

Ang Filipino Service ng Radio Veritas Asia ay itinatag noong 1990 upang maabot ang napakaraming Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ginawa ang "test broadcast" ng Radio Veritas Asia – Filipino Service noong Disyembre 19, 1990. Novena Mass para sa kapaskuhan ang unang isinahimpapawid sa nasabing "broadcast."

Samu't saring sulat pasasalamat ang natanggap ng istasyon mula sa mga manggagawang Filipino sa ibayong dagat, lalo na mula sa Gitnang Silangan.

Ang pagsasahimpapawid ng Banal na Misa at mga napapanahon na balita ang nakapag-engganyo ng mga Filipino sa labas ng bansa upang tumutok sa Radio Veritas Asia – Filipino Service.

Kasama ng pag-unlad ng mga makabagong teknolohiya, pinalitan ng istasyon ang "shortwave broadcast" ng "online sites" habang ginagamit naman ang mga "social media platform" tulad ng Facebook, YouTube, at Instagram.

Patuloy na maglilingkod ang Radio Veritas Asia – Filipino Service upang maipahayag ang Mabuting Balita sa lahat na Filipino saan mang sulok ng mundo.

Please wait while the page is loading